Para mapagbigyan pa ang mga SSS member na ayusin ang kanilang loan obligations, pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ng hanggang Abril 1, 2019 ang ikalawang Loan Restructuring Program (LRP) with penalty condonation.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, nauunawan ng ahensiya ang kalagayan ng mga miyembro lalo pa at naging biktima sila ng natural na kalamidad na dahilan para hindi mabayaran ang kanilang pagkakautang.
Sa ngayon, pinapayuhan ng SSS ang mga miyembro na mag-file na ng maaga ng kanilang LRP applications at huwag nang hintayin ang last minute filing sa susunod na taon.
Mula nang ilunsad ang LRP with condonation program noong Abril 2, 2018, nakakolekta na ang SSS ng mahigit P2 billion income mula sa halos 300,000 nag-avail sa programa.
Paliwanag pa ni Dooc, maaaring bayaran ng mga member ang kanilang overdue loan sa loob ng 30 araw na walang dagdag na interes o di kaya ay sa pamamagitan ng installment payment term ng hanggang 5 taon. | ulat ni Rey Ferrer