Listahan ng mga inmate na nakalaya dahil sa GCTA, isinumite na  sa Senado

Naisumite na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Senado ang listahan ng pangalan ng higit dalawang libong heinous crime convicts na nakalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) mula taong 2014.

Una na itong hiningi ng Senate Blue Ribbon Committee nang magsimula ang pagdinig ng Senado tungkol sa implementasyon ng GCTA law.

Sa kabuuan, nasa 2,160 na bilanggo ang nabigyan ng maagang paglaya.

Kabilang na dito ang 939 na may kasong rape, 974 na may kasong murder at 261 na may drug violation.

Ngayong taon ay may pinakamaraming nakalaya na heinous crime convicts sa bilang na 821.