Listahan ng LGUs na bagsak sa road-clearing operations, inilabas ng DILG

Inilabas na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng local government units (LGUs) na nabigong makasunod sa 60-day road clearing operations.

Batay sa talaan, 98 LGUs ang binigyan ng bagsak na grado ng ahensiya. Labindalawa sa mga ito ay mula sa mga lungsod at bayan sa Central Visayas.

Sa Cebu, pitong LGUs ang bagsak kabilang ang Carcar City, ang bayan ng Badian, Carmen, Compostela, Ginatilan, Moalboal, at Pinamungajan.

Sa Bohol, apat ang bagsak kabilang na ang Antequera, Garcia Hernandez, Talibon, at Valencia.  Ang bayan ng Larena sa Siquijor ay bigo din sa assessment.

Sa Region 2, tanging ang Roxas, Isabela ang may bagsak na marka.

Bigo din ang Badoc, Paoay, Pinili, sa Ilocos Norte; Cabugao, Salcedo, Sinait, Ilocos Sur; Luna, Supiden, La Union; Mangatarem, Natividad, Tayug sa Pangasinan.

Sa Cordillera Administrative Region, bagsak ang Boliney at Nanabik, Abra; Kabayan, Benguet; at Banaue, Ifugao.

Sa Pampanga tanging ang Minalin lang ang hindi compliant sa direktiba ng DILG.