Lingguhang clean-up drive sa lahat ng barangay at opisina sa Maynila, iniutos ni Mayor Isko

Pinirmahan ngayong araw ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Executive Order No. 43 na nag-uutos sa 896 na barangay at lahat ng opisina ng pamahalaan lungsod na magsagawa ng lingguhang clean-up drive sa kanilang nasasakupan.

Sakop ng nasabing executive order ang lahat ng kapitan ng mga barangay pati na rin ang mga pinuno ng:

  • Market Administration Office
  • City Hospitals
  • City Universities
  • Manila Department of Social Welfare (MDSW)
  • Manila Barangay Bureau (MBB)
  • Parks Development Office (PDO)
  • Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB)
  • Department of Public Services (DPS)
  • Public Recreations Bureau (PRB)
  • Manila City Library (MCL)
  • Department of Engineering and Public Works (DEPW)
  • Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB)
  • Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)

Kailangan magsumite ng lingguhang report ang mga nasabing mga opisyal sa Office of the City Administartor.

Matatandaang sa nakalipas na 100 araw ng panununkulan ni Mayor Isko ay nagsagawa ang MDRRMO ng flushing operation sa lahat ng kalsada sa lungsod.

Ang nasabing hakbangin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay pagsuporta sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na linisin ang lahat ng kalsada at sidewalks sa bansa.