Lifting ng suspensyon sa STL, may kaakibat na mga kondisyong dapat masunod – Palasyo

Inanunsyo ng Palasyo na lifted na ang suspensyong ipinataw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng small town lottery (STL).

Gayunpaman, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pag-aalis ng suspensyong ito ay mayroong kaakibat na mga kondisyong dapat masunod.

Para sa mga compliant franchise holders, dapat na magbigay ng three months deposit ang mga ito para sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon.

Para naman sa mga non-compliant franchise holders ay kailangan muna nilang magbayad ng kanilang pagkakautang sa gobyerno, at magkaroon ng waiver, na hindi sila maaaring magsampa ng kaso laban sa PCSO o sa pamahalaan.

Magiging epektibo ang lifting ng suspensyon matapos na opisyal na mailathala ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Anomang paglabag sa mga kondisyon na lalamanin ng IRR ay mangangagulugan ng license revocation.