Lider ng Sri lanka, mananatili sa bansa ng 5-araw para sa state visit 

Ngayong araw magsisimula ang five-day state visit ni Sri Lanka President Maithripala Sirisena sa Pilipinas.

Sa advisory na inilabas ng Palasyo, 10:50 mamayang gabi ang expected time of arrival ng lider ng Sri Lanka sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Bukas inaasahang magkikita si Sirisena at si Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malacsñang na kung saan, magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magiging pokus ng gagawing pagpupulong nina Pangulong Duterte at President Sirisena ang tungkol sa interes ng dalawang bansa na may kinalaman sa politika, ekonomiya, agriculture, cultural at people to people engagement.

Inaasahan din sa pagtungo ng lider ng Sri Lanka sa Malacañang ang paglagda nila ni Pangulong Duterte sa ilang kasunduan.  | ulat ni Alvin Baltazar