Libreng sakay para sa mga senior citizens, ipinatutupad sa MRT3 simula ngayong araw

Kasabay ng taunang selebrasyon ng Elderly Filipino Week, nag-alok ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 para sa mga pasaherong senior citizens.

Ang libreng sakay ay ipatutupad ng MRT3 sa loob ng isang linggo na pasisimulan ngayong araw, Oktubre 1 hanggang Oktubre 7 araw ng Lunes.

Maaaring i-avail ang libreng sakay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Kailangan lamang ipresenta ang kanilang mga senior citizens ID o iba pang identification card na magpapatunay na sila ay nasa 60-taong gulang pataas na.

Samanatala, as of 6am ngayong umaga, may
12 tren ng MRT3 ang operational na, 11 na tren ang kasalukuyang bumibiyahe na.

May 9 na minuto ang pagitan ng paghihintay ng mga pasahero bago makasakay sa susunod na tren.