Legarda, pinaalalahanan ang gobyerno at publiko na maging handa sa posibleng pagpasok ng bagyong Ompong

Pinaalalahanan ngayon ni Sen. Loren Legarda ang mga ahensya ng gobyerno, Local Government Units (LGUs) at ang sambayanan na maging handa para sa bagyong Mangkhut, na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, araw ng Miyerkules.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyong Mangkhut ay inaasahang may dalang malakas na hangin na hanggang 210 kph at pagbugso ng hanggang 260 kph kapag ito ay nakapasok na sa PAR at ito ay papangalanan na bagyong Ompong.

Ayon kay Legarda, chairperson ng Senate Committee on Climate Change, ang LGUs kabilang ang mga barangay official ay kinakailangang magsagawa ng information dissemination ukol sa lakas ng bagyo at ang magiging epekto nito, at bumuo ng isang community evacuation plan.

Dagdag pa ng senador, ang bawat barangay ay kinakailangangĀ pagsabihan ang mamamayan ng posibleng landslides, pagbaha at ang mga nasa mapanganib na lugar ay mailikas sa mas ligtas na lugar bago pa man ang paglapit ng bagyo sa mga maaapektuhang lugar. | ulat ni Jojo Ismael

Photo courtesy: Sen. Loren Legarda FB page