Law and city ordinance violators sa QC, dumami

Base sa naitala ng Quezon City Police District (QCPD) mula alas-singko ng umaga kahapon hanggang alas-singko ng umaga ngayong araw, lalong dumami ang mga lumabag sa batas at ordinansa ng Lungsod Quezon.

Mula sa mahigit 1,000 noong nakaraang araw, nito lamang magdamag ay umabot sa 2,084 ang kabuuang bilang ng mga lumabag.

Nananatiling paglabag sa trapiko ang pinakamaraming insidente sa iba’t ibang lugar ng lungsod.

Samantala, 15 naman ang naaresto sa pinakahuling kampanya laban sa droga at krimen.

Kabilang sa mga nahuli ang apat na drug suspects na residente ng Novaliches, na kinabibilangan ng dalawang babae na nakumpiskahan ng mahigit P88,000 na halaga ng shabu.