Las Piñas LGU, di na tatanggap ng walk-in sa vaccination sites maliban sa senior citizens

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas na tanging mga senior citizen ang pahihintulutang mag-walk in sa COVID-19 vaccination sites sa pagsisimula ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila bukas.

Ayon sa city government, layon nitong maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao sa vaccination sites.

Hindi tatanggapin ang mga residenteng walang patient ID number at QR code.

Bawal na rin ang pagpila sa vaccination sites sa oras ng curfew hours mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Nakiusap naman ang LGU sa mga nais magpabakuna na magparehistro muna sa eZConsult application.

Lampas 180,000 individuals na ang maituturing na fully vaccinated sa Las Piñas habang mahigit 240,000 ang nabigyan ng first dose.