Las Piñas LGU, bibilisan ang rollout ng COVID vaccination sa kahit limitado ang suplay

Pagsusumikapan ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas na bilisan ang rollout ng COVID-19 vaccination sa lungsod, sa kabila ng pagkaantala ng delivery sa suplay ng bakuna.

Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar-Nery, target nilang matapos ang vaccination ng nasa 447,000 residents batay sa schedule.

Kaugnay nito, ay nagdagdag ng vaccination sites ang city government upang i-accommodate ang dumaraming bilang ng residente na nais magpabakuna.

May dalawa pa aniyang itatayo sa Barangay Manuyo Uno at Talon 5.

Umabot na sa 211,274 individuals o katumbas ng 27.1 percent mula sa mahigit 600,000 libo ang nabakunahan sa 18 vaccination sites sa Las Piñas.

Sa naturang bilang, pinakamarami sa nabakunahan ang persons with comorbidity at sinundan ng economic frontliners.