Larawan ni PRRD na pagsakay sa big scooter, inilabas sa publiko

Inilabas sa publiko ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsakay sa big scooter ni Senador Bong Go para patunayang wala itong pangunahing iniindang sakit sa katawan.

Para patunayang ayos  lang at walang idinadaing na sakit, muling sumakay ng motorsiklo si Pangulong Duterte kagabi sa may Bahay Pagbabago sa Malacañang complex.

TINGNAN | Matapos ang minor motorcycle accident kagabi, ang scooter naman ni Sen. Christopher 'Bong' Go ang sinubukan ni…

Posted by Radyo Pilipinas on Thursday, October 17, 2019

Motor ni Senador Go ang sinakyan ng Presidente pero hindi naman ito pinaandar.

Bagamat mala-scooter type ang itsura, mas malaki at mabigat naman ito sa karaniwang scooter, at mas mababa kumpara sa big bike na sinakyan ng Pangulo noong isang gabi na dahilan ng kanyang pagkaka-aksidente.

Makikita sa larawan, na tila tinatantiya ng Pangulo ang bigat ng motorsiklo ng kanyang dating aide na may kalakihan din naman pero hindi na pinaandar pa.

Kaswal lang ang pananamit ng Presidente na nakapambahay lang, naka-collared t-shirt, pantalon at tsinelas.

Ginawa ito ng Pangulo dakong alas-6 kagabi, bago magpunta sa isang okasyon sa Manila Hotel sa lungsod ng Manila.