Larawan ng 2 suspek sa pamamaril sa NDF Consultant sa Nueva Viscaya, inilabas ng PNP

Inilabas na ng crime laboratory ng Cagayan Valley Regional Police Office ang artist sketch ng riding in tandem suspects na bumaril at pumatay kay NDF consultant Randy Malayao Jr.

Batay sa paglalarawan ng mga testigo, ang gunman ay may katamtamang pangangatawan, may taas na 5’4 – 5’6, tinatayang nasa edad 25-30, nakasuot ng jacket na kulay gray na may hood at nakapantalon ng maong.

Isinama din ang sketch ng gunman na hindi nakasuot ng hood.

Ang driver ng motorsiklo naman ay payat ang pangangatawan, 5’3-5’6 ang taas, 20-25 ang edad at nakasuot ng yellow ┬át-shirt at kulay brown na shorts.

Matatandaan na pinatay si Malayao habang siya ay tulog sa loob ng bus na kanyang sinakyan, nang ito ay huminto sa isang bus stop sa Aritao, Nueva Vizcaya, noong madaling araw ng Miyerkules. | ulat ni Leo Sarne