Lambda variant, nakakabawas rin ng bahagya sa epekto ng COVID-19 vaccine — isang infectious disease expert

Bahagya ring nakapagpapabawas sa pagiging epektibo ng COVID-19 vaccine ang nakapasok na sa bansa na Lambda variant.

Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edcel Salvana, wala pa namang gaanong data sa Lambda variant pero base sa preliminary data ay ganun nga ang epekto sa bakuna ng pinakahuling variant na naiulat dito sa bansa.

Pero pagbibigay diin ni Salvana na makapagbibigay pa rin ng proteksyon ang mga ginagamit na bakuna kontra sa Lambda variant bagamat bawas ng kaunti ang efficacy.

Kung tutuusin nga ani Salvana ay mas mild ang epekto ng Lambda sa efficacy ng mga bakuna kung ikukumpara sa Delta.

Kaugnay nito’y binigyang-diin ng eksperto na mahalaga pa rin talaga ang pagpapabakuna gayung iniiwas talaga nito ang isang indibidwal sa malalang lagay sakalit kapitan pa rin ng kahit anong variant ng COVID-19.