Lalawigan ng Cebu magpapadala ng tulong sa isolated na bayan ng Malabuyoc

Dahil sa naputol na tulay at bumigay na kalsada na nagdudugtong sa bayan ng Malabuyoc, nanatiling isolated ito sa ngayon.

Kaya ipapadala ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu ang tulong sakay ng isang barge mula sa lungsod ng Mandaue.

Mga pagkain, gasolina at ekipo para sa clearing operation ang ipapadala doon ngayong araw.

Pansamantalang magtatayo ng steel bridge ang Department of Public Works and Highways Region 7 (DPWH-7) upang madaanan na ang naturang bayan.

Tatrabahoin ito ng DPWH-7 sa loob ng dalawang linggo.