Deployment ng mga sasakyan para sa libreng sakay, magpapatuloy ngayong araw — Joint Quick Reaction Team

Itutuloy ngayong umaga ng Joint Quick Reaction Team ang deployment ng mga sasakyan na mag-aalok ng libreng sakay sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay JQRT Spokesperson Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Aileen Lizada, ang mga sumusunod na areas na may posibleng libreng sakay na magsisimula ng alas-7:00 ng umaga ay ang:

1. Comonwealth Circle patungo sa Quiapo at Manila area kung saan apat na trucks ng JRT-NCR ang magsasakay ng pasahero.

2. Monumento patungo sa Pedro Gil via Taft, apat na trucks ng PCG, at dalawang trucks mula sa U.S. Embassy to Baclaran via Roxas Blvd.

3. EDSA Timog patungo sa Taft Ave. sa Manila at vice versa, dalawang bus c/o MMDA.

Sinabi pa ni Atty. Lizada, kapag may mga lugar na nangangailangan pa ng mga sasakyan lalo na pag may mga stranded passenger, tawagan lang aniya ang 136.

Base sa pinakahuling Heavy Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA weather bureau kaninang alas-2:00 ng madaling araw, nakataas pa rin sa Yellow warning level sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Bataan, Zambalez, at Quezon.

Ibig sabihin nito, may mga pagbaha pa rin na nararanasan sa mga nabanggit na lugar lalo na sa mga low lying areas.

Light to moderate na may manaka-nakang malakas na ulan naman ang nararanasan sa lalawigan ng Tarlac, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at ibang lugar sa Quezon na mararanasan sa loob ng Tatlong oras.  | ulat ni Rey Ferrer