LAKAS-CMD at Hugpong ng Pagbabago, palalakasin ang ugnayan para sa 2022 elections

Palalakasin pa ng Lakas–Christian Muslim Democrats (LAKAS CMD) at ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang kanilang alliance para sa nalalapit na 2022 national election.

Kasunod ito ng naging pagbisita ni House Majority Leader Martin Romualdez sa kaarawan kamakailan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Romualdez, Presidente ng Lakas-CMD, bago pa man ang 2019 election ay mayroong partnership na ang partido sa HNP ni Mayor Duterte.

Balak naman ng dalawang partido na gawing pormal ang pag-renew sa kanilang alyansa.

Umaasa din si Romualdez na mas lalo pang tatatag ang ugnayan ng dalawang partido lalo na sa nalalapit na May 2022 Presidential Election.