Lahat ng Sokol choppers ng Phil Air Force, grounded kasunod ng crash landing ng isa sa Tarlac kahapon

Grounded ang lahat ng Sokol Choppers ng Philippine Air Force kasunod ng pag crash-landing kahapon ng isa sa mga ito sa Crow Valley, Tarlac.

Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Maj. Aristides Galang, precautionary measure lang ito habang hindi pa nadetermina ang sanhi ng pagbagsak.

Aniya, mananatiling grounded ang mga naturang chopper hanggang matapos ang imbestigasyon sa insidente.

Nakaligtas naman ang lahat ng walong sibilyang pasahero, dalawang piloto at dalawang crew ng bumagsak na chopper, bagamat nagtamo ng sugat ang ilan sa mga ito.

Kabilang sa mga pasahero ng chopper sina House Deputy Speaker at COOP-Natcco Partylist Rep. Anthony Bravo, at Senador Ralph Recto. | ulat ni Leo Sarne