Lahat ng 19 na nasawi sa bus na nahulog sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro, na-identify na ng PNP

Na-identity na ng PNP Provincial Office ng Mindoro Occidental ang lahat ng mga nasawing pasahero ng bus na nahulog sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Sa ulat ni PSupt Gregardro Villar, Provincial Public Information Officer, kasama sa 19 na nasawi ang driver ng Dimple Star bus na si Arno Panganiban, at ang kundoktor nito na si Erwin Estipona Ebuenga.

Ang mga pasaherong nasawi naman ay sina:
Leaflor De Pedro Borlado, Cely E. Fama, Marciano B. Ramos, Rudy Bacani, Teresita Tupagan, Elizabeth Dela Cruz, Verginia Ramos,
Lolita Bayle, Anselma Gomez, Gilbert, Laguardia Jr., Robert Joso, Josie Salcedo, Judith Gabuco, Nelie Alvaro, Gloria Gabuco
Rodolfo Santiago, at Percival Flores.

Ang dalawampu’t isa namang sugatan sa naturang insidente ay dinala naman sa dalawang ospital, kung saan anim ang nasa San Sebastian District Hospital at 15 ang nasa Mamburao Provincial hospital para magpagamot.

Sa paunang imbestigasyon nabatid na buma-byahe pa Maynila ang Dimple Star bus na may plakang TYU- 708 galing Occidental Mindoro nang mawalan ng kontrol ang driver nito sa Patrick Bridge, Sitio Yapang, Brgy. Batong Buhay, Sablayan, Occidental Mindoro kagabi.

Tumama muna sa side railing ng tulay ang bus bago ito tuluyang nahulog sa bangin. Inaalam pa rin ng mga imbestigador kung mechanical failure o driver error ang naging sanhi ng aksidente. | via Leo Sarne