Laguna, Iloilo City, Cagayan de Oro City, ibinaba sa MECQ; Metro Manila, ECQ pa rin hanggang August 20

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibaba ang quarantine classification sa ilang mga lugar na dating Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Mula ECQ, ibinaba na sa MECQ ang mga lugar ng Laguna, Iloilo City, at Cagayan de Oro City na magsisimula sa August 16 hanggang August 31.

Mananatili naman ang National Capital Region sa ECQ hanggang August 20 habang ECQ pa din ang Bataan ng hanggang August 22.

Ang ilan pang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ mula August 16 hanggang August 31 ay Apayao; Ilocos Norte; Bulacan; Cavite, Lucena City, Rizal, Aklan, Iloilo Province, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Cebu City.

General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula August 16 hanggang August 31 ang Ilocos Sur; Cagayan; Quezon at Batangas, Naga City, Antique, Bacolod City at Capiz, Negros Oriental, Cebu, Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, at Butuan City.