Lacson, umaasa na mapapabilang sa SONA ng Pangulong Duterte ang isang National ID law

Umaasa si Senador Ping Lacson na mapapasama ang isang National ID law sa State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Punto ni Senador Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order at may-akda ng National ID bill sa Senado, matapos na maratipikahan ng Senado at Kamara ang panukalang hakbangin, ito’y enrolled bill na at sa MalacaƱang na ang punta nito para sa pagpirma ng Pangulong Duterte.

Kapag hindi ito napirmahan sa loob ng 30 araw, ito’y awtomatikong magla-lapse o awtomatikong magiging batas.

Dagdag ni Lacson, maaari nang ipatupad ito ngayong taon sapagkat may initial na funding na ito na P25 billion na nakalaan sa 2018 General Appropriations Act (GAA).

Sa bicam, nagkasundo ang Senado at Kamara na i-adopt ang bersyon ng Senado na may minor amendments. | via Jojo Ismael