Lacson: Kritiko ng administrasyon over acting sa kanilang pagnanais na itulak ang Pilipinas para makipag-giyera sa China

Para kay Senador Ping Lacson, over reaction diumano ang ginawa ng mga kritiko ng administrasyon na gustong itulak ang Pilipinas sa pakikipag-giyera sa China kaugnay ng ginawang simpleng pagnanakaw ng Chinese Coast Guard crew ng mga huling isda ng mga Pilipino sa may Panatag Shoal.

Punto ni Lacson, chairman ng Senate Public Order Committee, batay sa arbitral ruling ng may dalawang taon na ang nakararaan, ang Scarborough Shoal o ang Panatag Shoal ay naideklara bilang isang lugar na walang exclusive economic zone o EZZ  at isang ‘free fishing area’ para sa lahat ng mga claimant na bansa.

Dahil dito, sinabi ni Lacson na ang nagawa ng Chinese Coast Guard crew ay walang iba kundi isang simpleng krimen ng pagnanakaw o pamimirata na hindi dapat humantong sa isang armadong labanan sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Ayon sa ulat, ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay naghain ng isang diplomatic protest, at tinugon ito ng China sa pamamagitan ng kanilang ambassador sa Maynila na nangako na kanilang paiimbestigahan ang insidente at paparusahan ang mga mapatutunayang nagkasala.

Diin ni Lacson na naging over acting ang mga kritiko ng administrasyon na ang nais ay makipag-giyera ang Pilipinas laban sa China dahil sa nasabing insidente.

Giit ng senador na mas makabubuti kung hintayin na muna ang feedback ng Chinese government kaugnay ng kanilang isasagawang imbestigasyon at ang kaukulang pagdidisiplina laban sa kanilang mga tauhan mula sa Chinese Coast Guard crew. | ulat ni Jojo Ismael