Labor groups, umaasa na tutuparin ng Pangulong Duterte ang pangako na wakasan ang contractualization sa mga manggagawa — ALU-TUCP

Mahigit 30 milyong Pinoy workers mula sa 41 milyong labor force sa bansa na nagtatrabaho sa ilalim ng contractualization scheme ang umaasa na mabigyan ng pamahalaan ng security of tenure at iba pang benepisyo tulad ng natatanggap ng regular workers.

Ito ay kapag kinatigan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bersyon ng Executive Order na isinumite ng labor groups para lagdaan nito.

Paliwanag ni Michael Mendoza, Associated Labor Union (ALU)-TUCP-Nagkaisa National President, ang pinakabagong bersyon ng EO na kanilang isinumite sa Pangulo ay naiiba mula sa naunang draft na EO na hinihingi ang total ban sa contractualization.

Sa ikalawang bersyon ng EO, binibigyan na nito ng flexibility ang mga negosyante na kumuha ng contractual services o seasonal jobs.

Ibig sabihin nito, hindi na hinihingi ng labor groups ang total ban sa contractualization at hindi na nangangailangan ng pag-amyenda ng Kongreso sa batas.

Ito ay para mawala ang agam-agam ng Pangulo na baka magdalawang-isip pa ang mga investors na maglagak ng negosyo sa bansa. | via Rey Ferrer