Labor groups, aapela sa Senado na aprubahan na ang Anti-Endo Bill; Kilos protesta ikinasa ngayong araw

Kasado na ngayong araw ang malaking rally sa Senado ng mga labor groups para hilingin sa mga mambabatas na aprubahan na ang Senate Bill 1826 na mas kilala bilang Security of Tenure o Anti-Endo Bill of 2018.

Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) President Raymond Mendoza, ang kawalan ng approval ng Senado sa Security of Tenure Bill na panlaban sa pagpapatigil sa contractualization ay mababalewala at ang sertipikasyon ng Pangulong Rodrigo Deterte dito bilang urgent ay mawawalan ng saysay.

Alas-10:00 pa lamang mamaya ay nasa Senate grounds na ang mga manggagawa sa ilalim ng Nagkaisa Labor Coalition kung saan tatalakayin ang panukala sa Plenary Session bandang alas-3:00 ng hapon.

Malapit nang mag-adjourn ang Kongreso at magre-resume muli pagkatapos na ng election sa Mayo.

Nakikiusap ang milyong Endo workers kay Pangulong Duterte na tiyaking maisabatas ang Anti-Endo Bill na sinertipikahan bilang urgent noong Setyembre 2018 para wakasan na
ang contractualization.  | ulat ni Rey Ferrer