KZ Tandingan at iba pang OPM artist, maglulunsad ng isang online Pinoy talent search; Megastar Sharon Cuneta, muling sumailalim sa operasyon

Isang online talent search ang pangungunahan ni Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan.

Bukas ito sa lahat ng indibidwal na may natatanging talento. Ang kailangan lamang gawin ay, mag-upload ng kanilang video gamit ang isang app.

Dalawampung contestant ang mapipili sa final round kung saan isang special management contract at cash prize ang naghihintay sa grand winner.

Ayon kay KZ, isa lang daw ito sa produkto ng kanyang magandang exposure sa China sa “Singer 2018.”

Makakasama ni KZ dito ang iba pang OPM artists.

Samantala muling sumailalim sa operasyon si Megastar Sharon Cuneta para tanggalin ang lipoma o bukol sa kanyang batok.

Sa kanyang Instagram post, hiniling ni Ate Shawie na siya ay ipagdasal para sa mabilis na paggaling.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na inoperahan ang singer actress para alisin ang benign tumor.

Sa ngayon ay nakalabas na ng ospital ang megastar at naghahanda naman para sa kanyang concert sa Bacolod bukas. | ulat ni Kathleen Forbes