Kumpletong bakuna sa COVID-19, kayang magbigay proteksiyon vs. Delta variant

Binigyang diin ng isang eksperto, na kayang kontrahin ng mga nakatanggap ng may kumpletong bakuna ang epekto ng pinangangambahang Delta variant. 

Sinabi ni Department of Health (DOH) Epidemiologist Dr. Althea de Guzman sa briefing sa Malacañang, na base sa pag-aaral umaabot sa 88 percent ang efficacy ng Pfizer laban sa Delta variant. 

Nasa 60 percent naman ang efficacy rate na naibibigay ng AstraZeneca para sa mga nakakumpleto na nito. 

Ang ibang brand naman ayon kay Dra de Guzman, ay nakapagbibigay ng higit 50 percent na efficacy rate. 

Sa kabilang banda, ay  nasa 33 percent efficacy lamang ang kayang ibigay na proteksiyon sa mga nakaisang turok pa lamang ng bakuna.