Kumpiyansa ni PRRD kay BuCor Chief Faeldon, nananatili

Hangga’t walang anomang pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon ay nananatiling buo ang tiwala nito sa nasabing opisyal.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa gitna ng isyu tungkol sa mga napalayang convicted criminals, at sinasabing naudlot na paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo, hangga’t hindi nagbibigay ng komento ang Pangulo, kontra man o pabor kay Faeldon ay kanilang ituturing na tiwala pa rin ito sa Bucor official.

Ang presumption of trust kay Faeldon, ay sa harap na din ng panawagan ng ilang mga grupo na kailangan ng magbitiw sa puwesto sa BuCor ang dating Magdalo soldier, bunsod ng usapin sa kasalukuyan sa mga nakalayang inmate na sentensyado pala dahil sa karumaldumal na krimen.

Nasa diskarte na aniya ng Chief Executive, kung ano ang susunod na kabanata para kay Faeldon.