Kumpiyansa ng publiko sa bakuna, di dahil sa tatak nito — DOH

Hindi Pfizer ang dahilan kung bakit tumaas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, sa ginawang survey ng Department of Health (DOH) nitong Marso ay umabot sa mahigit 80% ang may kumpiyansa sa bakuna.

Di hamak na mataas aniya ito kumpara noong mga unang survey na nasa 60% lamang.

Naniniwala si Vergiere na tumaas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna dahil sa nakita ng mga ito na ligtas at maayos ang proseso ng bakunahan sa bansa.