Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, lampas na sa 10,000

Lampas na sa  10,000 ang bilang ng mga kumpirmadong may coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Iniulat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong 320 bagong kaso.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Sa kabuuan,  10,004 na ang may COVID-19 sapul nang  maitala ang unang  kumpirmadong kaso nitong nakalipas na tatlong buwan.