Kumpanyang gumagawa ng processed meat sa bansa,tiniyak na ligtas sa ASF ang kanilang produkto

Tiniyak ng kumpanyang gumagawa ng processed meat sa bansa na ligtas sa African Swine Fever ang kanilang produkto.

Ayon sa San Miguel Foods, walang dapat ipangamba ang publiko sa kanilang produkto dahil ang ipinapakain sa mga alagang baboy nito ay grain feeds na gawa sa state of the art feedmills.

Ang mga hog farms at pasilidad ng kumpanya ay sumusunod rin sa istriktong animal health and biosecurity protocols at may kaukulang permit mula sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service bago i-distribute ang mga produkto.

Una nang tiniyak ng Department of Agriculture at Department of Health na ligtas ang mga produktong karne o baboy na nabibili sa mga palengke at supermarket basta’t may NMIS certification at mailutong mabuti.