Koordinasyon ng QC, DPWH sa mga proyekto, dapat maayos – Mayor Belmonte

Hiniling na ng Pamahalaang Lokal ng Quezon City sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-imbentaryo sa lahat ng mga proyekto nito sa Quezon City.

Layon ng lokal na pamahalaan na matiyak na hindi magkaroon ng duplication ang anumang proyektong gagawin ng DPWH.

Nakipagpulong na si QC Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng DPWH ukol dito.

Hiniling nito na gawing mahusay ang koordinasyon ng city government at DPWH sa usapin ng mga ginagawa at gagawin pang proyekto sa lungsod.

Nais din nito na kahit mga national project, ay dapat nakakasunod sa mga local ordinance, local building code, mga itinakdang pamamaraan, mga mandato tulad ng all-gender restroom, at iba pa.

Sa ginagawa niyang inspeksyon, nadiskubre ng alkalde na maraming sagabal sa sidewalks tulad ng mga barangay hall ay mga proyekto ng DPWH.