Kooperasyon ng publiko, hiningi ng DILG sa pagsisimula ng campaign period bukas — DILG Usec Martin Diño

Sa pagsisimula ng campaign period bukas, Mayo 4, umapela na sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan candidates ang isang environmental group na gawing tama at maayos ang kanilang pangangampanya.

Ang panawagan ay ginawa ng EcoWaste Coalition, na ang layon ay mapangalagaan ang komunidad at kalusugan ng mamamayan laban sa pagkalat ng sobra-sobrang basura o campaign materials.

Sinabi ni Daniel Alejandre, isang lider ng grupo, unang-una dapat iwasan ng mga kandidato ang overspending sa campaign activities at materials.

Pangalawa, bawasan ang mga basura sa pamamagitan ng sobrang paggamit ng election materials na hindi kinakailangan.

Pangatlo, dapat igalang ang mga punong kahoy at gawing poster-free.

Pang apat, gumamit ng mga campaign materials na maaaring i-recycle.

At panglima, agad alisin ang mga campaign materials pagkatapos ng araw ng botohan.

Pinayuhan din ng grupo ang mga kandidato na gawin ang house-to-house visitations at pagpupulong na isang paraan para maipaabot sa publiko ang kanilang plataporma at mga plano sa kanilang kandidatura.

Bukod dito, maaari din nilang gamitin ang social media. | via Rey Ferrer