Kooperasyon ng PH, Japan sa produksyon ng palay, mas palalakasin 

Nagkasundo ngayon ang International Rice Research Institute (IRRI) at ang Nagoya University sa Japan, na palakasin ang kanilang kooperasyon sa larangan ng pananaliksik at edukasyon sa produksyon ng palay.

Layunin ng IRRI at Nagoya University, na makabuo ng strategic alliance para pabilisin ang paghahatid ng innovative research, makalikha ng scientific capacity na magpapabilis ng pag-unlad sa Asya.

Malaking hamon ngayon sa IRRI at Nagoya University na harapin ang hamon ng lumalaking bilang ng populasyon, ang unti-unting pagkaubos ng suplay ng tubig at lupang agrikultura, ang kawalan ng interes ng nakababatang henerasyon sa gawaing pagsaka at ang epekto ng climate change. | ulat ni Rey Ferrer