Kontrobersyal na junket ni MARINA Administrator Amaro, alam na ng Pangulo

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na mga junket ni MARINA Administrator Marcial Amaro III.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na mga junket ni MARINA Administrator Marcial Amaro III.

Sa kabila nito, sa ngayon ay wala pa aniyang pinag-uutos na aksyon o imbestigasyon ang Pangulo tungkol dito.

Bago ito, noong December 21 ay nagsumite na ng reklamo sa Malakanyang ang grupong Alliance of MARINA employees o AME kung saan nilahad ang mga naging biyahe ni Amaro sa loob lamang ng isang taon.

Giit ng grupo, labing isang beses nangibang bansa si Amaro sa loob lang ng isang taon at tinawag rin nila itong absentee administrator dahil sa madalas itong wala.

Depensa naman ni Amaro, naging produktibo ang mga byahe niyang ito. | via Nimfa Asuncion