Konstruksyon ng Skyway project stage 3, hiniling ng isang mambabatas na pabilisin ang paggawa

Nanawagan si Muntinlupa Representative Ruffy Biazon sa Skyway management na pabilisin ang paggawa sa South Luzon Expressway.

Sa gitna ito ng nararanasang mabigat na daloy ng trapiko dahil sa Skyway sa ilalim ng Stage 3 Project.

Ani Biazon, ang kanilang kaisa-isang main road, na tumatagos sa mga barangay ng Muntinlupa, nagiging alternate route ng mga nata-traffic sa SLEx kaya’t ang kanilang main national road ay nababara na rin.

Nakatakda aniya siyang makipagpulong sa pamunuan ng Skyway sa Biyernes para pag-usapan ang naturang problema na dulot ng extension project at para makita na rin ang traffic management plan.

Ayon sa pagtaya ng Toll Regulatory Board inaasahang matatapos ang proyekto sa December 2020.