Konstruksyon ng karagdagang hospital rooms sa Lung Center para sa COVID patients, tatapusin ngayong buwan

Tiyak nang matatapos ngayong buwan ng Hunyo ang konstruksyon ng karagdagang modular hospital facilitities sa Lung Center of the Philippines para sa mga COVID-19 patients.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary at Isolation Czar Mark Villar minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Task Force to Facilitate Augmentation of Health Facilities ang 5 cluster units ng pasilidad para sa COVID-19 moderate to severe at critical cases.

Nasa 3 cluster units na may 66 rooms ang target na tapusin ngayong buwan habang ang matitirang  2 cluster units ay kukumpletuhin sa buwan na ng Hulyo.

Kasama ring matatapos sa Hulyo ang 16 na dormitory rooms na may double decker beds para sa 32 healthcare workers ng Lung Center.