Konstruksyon ng health center para sa highland communities sa Leon, Iloilo, tinapos na ng DPWH

Kinumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatayo ng dalawang palapag na health center sa barangay Bucari, Leon, Iloilo.

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar,ang konstruksyon ng pasilidad ay pinondohan ng P4.82 million ng DPWH Iloilo 4th District Engineering Office.

Pangunahing layunin ng health center ay magbigay ng first aid services, maternal at child healthcare, at iba pang basic medical services sa mga residente.

Napapanahon din ang delivery ng pasilidad sa paglaban ng COVID-19 pandemic dahil hindi na kailangang bumaba pa ng district at city hospital ang mga residente na posibleng malantad sa virus.