Konklusyon ni ICC Prosecutor Bensouda kaugnay ng imbestigasyon sa drug war ng pamahalaan, tinawag na kathang isip lamang -Palasyo

Inilarawan ng Palasyo na kamangha mangha ang naging konklusyon ni ICC prosecutor Fatou Bensouda sa war on drugs ng gobyerno.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, talaga namang nakakamangha na ang naging batayan lamang ni Bensouda sa konklusyon nito ay media reports.

Hindi man lang aniya nagbatay ito sa forensic examination at mahahalagang dokumento at basta na lamang nagpasiya itong iakyat na sa ICC pre-trial chamber ang alegasyong crime against humanity laban kay Pangulong Duterte.

Binigyang diin ni Roque na sa bawat insidente ng pagkamatay ay dapat na sumailalim sa masusing imbestigasyon na tila hindi ginawa ni Bensouda.

Para sa tagapagsalita ng Chief Executive, kathang isip lang ang konklusyon ng ICC Prosecutor na pawang ibinase lamang sa sabi sabing impormasyon.