Komite sa pakikipag-diyalogo sa Simbahang Katolika, ginawa nang 4 ang miyembro

Nagdagdag si Pangulong Rodrigo Duterte ng isa pang miyembro sa komite na mangangasiwa sa pakikipag-diyalogo sa Simbahang Katolika at iba pang religious sector.

Nadagdag dito si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco bilang ikaapat na miyembro ng komite.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala siyang ideya sa naging hakbang ng Presidente na idagdag si Evasco sa grupo ngunit wala aniyang duda na malaki ang maiaambag nito sa pakikipag-usap bilang isang dating alagad ng simbahan.

Dagdag ng spokesperson, batid kasi ni Evasco ang  posisyon at saloobin ng mga taga-simbahan na malaking tulong sa ikinakasang pakikipag-diyalogo.

Sa kabilang banda’y wala pang ipinaaabot na komunikasyon ang Presidential Management Staff kung kakayanin ng Pangulo na mapuntahan ang Papal Nuncio bukas para sa Pope’s Day celebration.  | ulat ni Alvin Baltazar