Koleksyon ng SSS Central Luzon mahigit ₱6-B

Aabot sa P6.01 bilyon ang nakolekta ng Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito sa Luzon Central 2, San Fernando Pampanga, sa unang siyam na buwan ng 2018.

Mataas ito ng 10.7 percent mula sa P5.43 billion na koleksyon sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taong 2017.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, halos 85 percent o P5.09 billion ng kontribusyon ay mula sa mga empleyado, na sinundan ng voluntary at self-employed members.

Sinabi pa ni Dooc, ang 62 percent o P3.72 billion contributions sa loob ng siyam na buwan ay mula sa branch accounts, habang ang natitirang 38 percent o P2.28 billion ay galing naman sa large accounts.

Plano pa ng SSS na magkaroon ng karagdagang 30 organized groups sa area, na potential na servicing and collecting partners ng pension fund. | ulat ni Rey Ferrer