Kidney disease at diabetes, nangunguna sa mga comorbidities na ikinamatay ng mga COVID-19 patients sa Davao City

Nangunguna ang kidney disease at diabetes sa mga comorbidities-related to COVID-19 deaths sa Davao City na na-record mula nung March 15, 2020 hanggang April 24 nitong taon.

Ito ay sinabi ni Davao City Health Officer at City COVID-19 Focal Person Dr. Ashley Lopez, kung saan ayon sa kaniya, sa kabuoang bilang na 685 na namatay sa COVID-19 sa lungsod, nasa 75% hanggang 80% ang may sakit sa kidney, dina-dialysis, at mga diabetic.

Sa 685 na namatay, 161 dito ang may kidney disease; 126 ang may diabetes; 122 ang may heart disease; 109 ang may hypertension; 72 ang may respiratory disease; 55 ang may digestive system disease; 33 ang nakaranas ng cerebrovascular accident; at 32 naman ay may cancer.

Ayon sa kaniya, dahil dito, nais ni Mayor Inday Sara Duterte na ma-address agad ito at mabigyan ng prayoridad ang grupo ng mga may comorbidities sa pagbabakuna kontra COVID-19.