Kawalan ng second term ng Pangulo na panukala ni dating Chief Justice Puno, suportado ng Palasyo

Muling binigyang-diin ng Malacañang na wala sa agenda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtagal pa sa puwesto sa sandaling matapos na nito ang termino sa taong 2022.

Ito ang tugon ng Palasyo sa pahayag ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, na hindi maaaring tumakbo sa panibagong termino ang Pangulo sa ilalaim ng binubuong bagong Federal Constitution.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, paulit-ulit na ngang binabanggit ng Presidente sa kanyang mga talumpati na kahit wala pang taong 2022 ay handa niyang iwan ang pagka-Pangulo.

Kung kakayanin nga ng taong 2020 ani Roque ay handa ang Chief Executive na bumaba, basta’t mapalitan lang ang sistema ng gobyerno sa Pederal.

Si Puno ang tumatayong Chairman ng Consultative Committee to review 1987 Constitution. | via Alvin Baltazar