Kauna-unahang press briefing ni CJ Gesmundo, itinakda na

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maupo bilang punong mahistrado ng Korte Suprema… Magdaraos ng pulong balitaan si Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ito ay gagawin sa darating na Biyernes, June 11, batay sa abiso ng Supreme Court Public Information Office.

Ang pulong balitaan ay kasabay na rin ng ika-120 taong anibersaryo ng Korte Suprema.

Ang tema ay “SC in focus: Towards a Technology Driven Judiciary.”

Bilang pag-iingat naman laban sa COVID-19 ay online ang diskusyon.

Mapapanood din naman ito ng live sa You Tube account ng Korte Suprema.

Si Gesmundo ay naitalaga bilang SC Chief Justice, noon lamang April, kapalit ni dating Chief Justice Diosdado Peralta na maagang nagretiro.