Kasunod ng kantyaw mula sa Kamara na umano’y ang Senado ay isang ‘Mabagal na Kapulungan,’ didinggin na ng Senado ang kontrobersyal na panukalang re-imposisyon ng Death Penalty

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kanya nang iniatas sa isang sub-committee na pinamumunuan ni Senador Manny Pacquiao ang pagsasagawa ngayong Enero ng serye ng pagdinig ukol sa panukalang re-imposisyon ng death penalty.

Makaraan ang kantiyaw mula sa liderato ng Kamara de Representantes na umano’y ang Senado ay isang ‘mabagal na kapulungan,’ ikinalendaryo na sa Senado ang pagdinig sa kontrobersyal na panukalang re-imposisyon ng death penalty o parusang kamatayan.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kanya nang iniatas sa isang sub-committee na pinamumunuan ni Senador Manny Pacquiao ang pagsasagawa ngayong Enero ng serye ng pagdinig ukol sa panukalang re-imposisyon ng death penalty.

Subalit, nilinaw ni Pimentel na ang naturang pagdinig ay hindi dahil sa sinasabing kantyaw mula sa Kamara sapagkat noon pang Abril ay nakahanay na ang mga death penalty bill para sa pagdinig ng Senado.

Siyam na panukalang batas ukol sa death penalty ang naihain sa mataas na kapulungan at ito’y ang Senate Bill No. 1294 na naglalayong maamiyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; ang SBN-985 o ang imposisyon ng Death Penalty para sa Heinous Crimes; SBN-889 o ang Death Penalty para sa banyaga na sangkot sa iligal na droga; SBN-368 o ang Qualified Reclusion Perpetua Act; SBN-187 o ang Death Penalty on the Heinous Crime of Aggravated Rape; SBN-186 o ang Death Penalty on the Heinous Crime of Kidnapping; SBN-185 o ang Death Penalty and Increased Penalties on Certain Heinous Crimes; SBN-42 o ang Death Penalty Act of 2016; at ang SBN-4 o ang Death Penalty Act of 2016. | via Jojo Ismael