Kaso ng iligal na droga ng anak ni BuCor Chief Faeldon, walang white wash

Tiniyak ng Palasyo na walang mangyayaring pagtatakip sa ginagawa ngayong pagsisiyasat sa kaso ng pagdakip sa anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sa kaso ng ilegal na droga.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kailanman ay hindi kukunsintihin ng administrasyon ang sinuman sa gitna ng paninindigan nitong mapigil ang ilegal na droga sa bansa.

Sa kabilang dako ay pinuri ng MalacaƱang si Faeldon sa posisyon nitong dumistansiya sa imbestigasyon kontra sa anak, at huwag makialam sa isinasagawang imbestigasyon.

Kasunod na rin ito ng pahayag mismo ni Faeldon, na siya’y magbibitiw sa pwesto kapag napatotohanan ang alegasyon sa anak nitong si Nicanor Faeldon Jr.

Si Faeldon Jr., 31 taong gulang, ay nahuli kasama ang apat na iba pang mga umano’y kasabwat sa pagtataglay ng ilegal na droga sa Naga City. | ulat ni Alvin Baltazar