Kaso laban sa mga dating CHED officials, ibinasura ng Ombudsman

Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang criminal at administrative charges laban kay dating Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan at dalawang iba pang opisyal.

May kaugnayan ito sa kasong Malversation of Public Funds or Property, at Grave Misconduct, Serious Dishonesty, at Conduct Unbecoming of a Public Official na isinampa ni Atty. Julito Vitriolo.

Bukod kay Licuanan, idinamay din sa kaso sina dating Executive Director Karol Mark Yee, at OIQAG Director Luisa Valencia.

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez, walang naipresenta na sapat na basehan ang complainant na magpapatibay sana sa kanyang reklamo.

Nagsampa ng reklamo si Atty. Vitriolo laban kina Licuanan nang sibakin siya sa tungkulin dahil sa kasong kriminal at administratibo na isinampa sa kanya sa Ombudsman.

Pagkatapos ng kanyang dismissal, nagsampa din ng kaso si Atty. Vitriolo laban kina CHED Chairperson Prospero De Vera III, Commissioner Lilian de las Llagas, at iba pa.