Karapatan ng Pilipinas sa panalo nito sa WPS, ‘di pa rin isusuko ng Pangulong Duterte — Palasyo

Hindi pa rin isusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Court.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at  Spokesperson  Salvador Panelo sa gitna ng kinahinatnan ng ginawang pag-ungkat ni Pangulong Duterte sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa Arbitral ruling.

Ayon kay Panelo, mananatili pa rin ang gagawing paggigiit ng Pilipinas sa karapatan nito sa West Philippine Sea at gagawin ito sa pamamagitan ng pakikipag-negosasyon.

Tuloy-tuloy ani Panelo ang gagawing pakikipag-dayalogo ng pamahalaan sa Chinese government, at gagawin ito nang mapayapa sa gitna ng hindi isusukong panalo ng Pilipinas sa Arbitral ruling.

Kaugnay nito’y inihayag ni Panelo na hindi naman aniya na-offend si President Xi sa pag-ungkat ni Pangulong Duterte sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.