Karagdagang 2,000 slots ng mga babakunahan, binuksan sa Araneta Coliseum

Nagbukas ng karagdagang 2,000 slots ang Quezon City government para sa mga nais magpabakuna sa The Big Dome ng Smart Araneta Coliseum sa Cubao.

Sa abiso ng Quezon City Health Department, 1,000 slots kada araw mula May 22 hanggang May 23 ang kanilang bubuksan para sa mga nais makatanggap ng unang dose ng bakuna.

Maaaring magrehistro online sa pamamagitan ng eZConsult ang mga nais magpabakuna upang mapasama sa bubuksang slots.

Tanging ang mga nagpa-book sa eZConsult ang tatanggapin at ipagbabawal ang walk in registration.

Para sa mga nakapag-book ng kanilang first dose, nakiusap ang Quezon City LGU na dumating ng 15 minuto bago ang schedule. I

Pinaiiwas na dumating ng mas maaga upang hindi mapuno ang vaccination centers at mapanatili ang minimum health protocols.

Ang pagdating daw ng sobrang aga sa takdang oras ay hindi garantiya na mauuna sa pila.