Karagdagan pang suplay ng COVID vaccine, natanggap na ng QC

Dumating na sa Quezon City ang karagdagan pang suplay na 285,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Department Of Health.

Dahil dito magtuloy tuloy na ang pagbabakuna sa mga itinalagang vaccination sites sa lungsod para sa mga A1 hanggang A4 category

Gagawin ito sa pamamagitan ng barangay-assisted booking,
online booking, drive-thru vaccination, homeowners association vaccination,
QC protektodo bus
at partnership sa mga pribadong kumpanya.

Base sa datos ng City Epidemiology and Disease Surviellance Unit, abot na sa 483,183 na doses ng bakuna ang naiturok sa mga residente .

Target ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang 1.7 milyong residente ng lungsod.