Kapatid ni Kate Spade, kinumpirmang matagal nang may sakit sa pag-iisip ang designer; Trailer ng Bumblebee movie, inilabas na

Kinumpirma ni Reta Saffo, kapatid ng sikat na fashion and accessories designer na si Kate Spade, na ilang taon na itong dumaranas ng sakit sa pag-iisip.

Ayon kay Saffo, hindi pumayag na magpa-confine si Kate dahil sa takot na masira ang imahe ng kanyang self-named brand.

Natagpuang wala ng buhay ang designer sa kanyang apartment at hinihinalang nagpakamatay.

Sa ibang balita, good news para sa fans ng Transformers film series dahil inilabas na ng produksyon ng Paramount Pictures ang trailer at iba pang mga detalye sa upcoming movie nito, tampok ang isa sa mga bidang Transformers alien heroes na si Bumblebee.

Bibida dito ang Pitch Perfect Star na si Hailee Steinfeld, komedyanteng si Martin Short at ang WWE champion and actor na si John Cena.

Nakatakdang mapanood ang Bumblebee movie sa mga sinehan sa Estados Unidos at United Kingdom sa darating na December 21 ng kasalukuyang taon. | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon